...

Veritas et Amore

Sa Paglipas ng Panahon

Naalala ko noong bata pa ako nang magbakasyon kami sa isang beach sa Quezon. Outing iyon ng opisina ng papa ko at kasama naming pamilya ang mga pamilya ng mga katrabaho niya. Sa unang araw pa lamang, naging kalaro ko na sila. Bumuo kami ng bundok na gawa sa buhangin at araw-araw ay pinataas namin iyon. Sa huling araw namin, halos kasing taas ko na ang bundok.

Papaalis na kami. Ang sabi ng isang bata sa grupo, gibain na raw namin. Sabi ko, ayoko kasi pinaghirapan namin ‘yon. Sabi ng isa pa, kahit naman iwan namin iyon, masisira pa rin kapag umulan o baka sirain ng mga tagalinis ng beach. Mahaba ang pagtatalo namin. Sa huli, sinira namin ang obra.

Noong mga panahong iyon, sa paningin ko, may pagkakaibigan na namuo sa grupo namin kahit sandali lang. Ngunit ngayon, hindi ko na alam ang mga pangalan nila. Ang tagal-tagal na noon pero sariwa pa rin sa alaala ko.

Ang mga ganagawa natin, lilipas. Ang mga karanasan natin, lilipas. Ang mga pagkakaibigan at mga relasyon natin, lilipas. Lahat lilipas. Pero sa tuwing inaalala ko ang mga lumipas, parang naroon pa rin ako. Parang nakatago lang ang mga sandaling iyon kung saan. Buombuo sa isip kong totoo pa rin iyon. Kung sino ako sa lumipas ako pa rin ngayon ngunit iba na. Pero ako pa rin. Naroon pa rin ako sa lumipas at narito rin ako sa ngayon.

Kahit lilipas lahat, ang tao, nanatili sa paglipas panahon. Siguro kaya hindi natin malimot ang mga karanasan natin kasama ng iba kahit malimutan natin ang mga pangalan nila o ang iba pang mga detalye ay dahil sa mga karanasang iyon, may kasama tayong kapwa - na nanatili rin sa paglipas ng panahon. Mga taong tatanda kasabay ng pagdaloy ng panahon ngunit mananatili sa kanilang mga kabataan at patuloy na pinalalago ang mga sarili sa paglipas ng bawat karanasan.


Nakita ko

Sabado ng hapon, pauwi ako ng bahay at naglakad ako mula simbahan ng Antipolo papunta sa sakayan ng tricycle. Nang malapit na ako sa tapunan ng basura, may batang babae na lumapit sa basurahan at nagumpisang mamulot ng basura. Hindi na bago sa akin ang eksenang ‘yan, at marahil sa iyo rin. Pero noong sandaling iyon, parang tinamaan ako. Parang naging totoo lahat mula sa abo’t tanaw ko.

Diretso lang ang paglalakad ko. Noong nasa tapat na ako ng tambakan ng basura, napalingon ako sa tabi. Sinundan ng isang dalagita ang batang babae sa basurahan. Siguro, ate nya. Bahagyang nagtapat ang aming mga mukha. Noong sandaling iyon, iba ang nakita ko.

Nakita ko ang mukha nya - mukha ng isang tao. Bagsak ito na para bang hirap na hirap. Sa sandaling iyon, alam ko, hindi lang isang magbabasura ang nakita ko. Nakita ko ang hubad na mukha nya. Puno ng paghihirap ngunit ang lalong tumatak sa akin ay ang pagsusumikap nya.

Napansin kong nakapalda sya ng pang-eskwela. Nagaaral siguro sya habang nagbabasura o kaya naman ay tumigil na sa pag-aaral at nagbabasura na lang para makakain sa isang araw ang pamilya. Alin man sa dalawa, hindi ko kayang sikmurain. Noong makita ko ang mukha nya, nakita ko ang isang taong kagaya ko - may dignidad, may mga kakayahan, may kalooban, may mga pangarap, at may kakayahang maging malikhain.

Sa isang banda, naisip ko, hindi ko kaya ang ginagawa nya. Hindi ko kayang tanggapin na isang araw ay bigla na lang mawala sa akin ang maayos na buhay, na biglang kailangan kong mangalkal ng basura para lamang makapasok sa eskwela o para makakain sa isang araw. Ang hirap. Kung iisipin ko, parang hindi totoo, parang hinding-hindi mangyayari sa akin. Ngunit nang sandaling makita ko ang mukha n’yang pagod na pagod, totoo ang lahat sa kanya. Sa kanya, ganito ang buhay - mahirap.

Iniisip ko, sana naranasan ko rin mangalkal ng basura tuwing hapon. Siguro kung alam ko ang pakiramdam, mas mabibigyan ko ng halaga ang mga biyaya na nasaakin.  Siguro, kung naranasan ko iyon,ang dami kong tutulungang tao ngayong ako ang mayroon kahit kakaunti dahil mas totoo sa akin ang paghihirap. 

Pero iba nga ang buhay ko at may posibilidad na hindi ko na danasin iyon. Ngunit noong mga sandaling iyon, nakita ko sa mga mata nya kung ano ba ang pakiramdam na malagay sa ganoon kalagayan at noong mga sandaling iyon, nabasag ako. Noong ilang mga segundong iyon, nasabi ko sa sarili ko, hindi ko kayang tanggapin ito. Bakit ganito? Bakit malupit ang mundo para sa kanila? Ang dami kong tanong.Bukod sa mga babaeng iyon, alam naman natin ang sitwasyon ng kahirapan ng maraming tao, sa Pilipinas palang. Ngunit ng mga sandaling iyon nga, naging totoo sa akin ang mga numerong ito.

Nakauwi na ako ng bahay. Kadalasan, nagpapahinga ako ng ilang mga oras tuwing Sabado bago muli harapin ang mga gawain ko. Pero noong araw na iyon, hindi ko kayang magpahinga sa tuwing naiisip ko na may ibang taong hindi nagpapahinga para lamang makakain sa isang araw, para lamang mabuhay.  Hindi ko maialis sa isip ko ang nakita ko. Para bang minumulto ako. Hindi ko kayang takasan. Ang hirap nang magbulag-bulagan. Tinatawag ako ng mukhang iyon, mukha ng kapwa ko. Ang kapwa na kagaya ko ring tao.  Ano kaya ang pwede kong gawin? Hindi pwedeng ganito nalang. Hindi ako matatahimik kung hindi ako tutugon dahil nakita ko. 


haven’t been in tumblr for months but can’t help to post the article following this post :)


How beautiful can the world be if people exercise modesty in reasoning and in pronouncing personal and professional opinions in public.


Drinking beer is easy. Trashing your hotel room is easy. But being a Christian, that’s a tough call. That’s rebellion.

– Alice Cooper 

(Source: tenthousandangels)

Via Swords, Roses, and Feminism!


Goodluck ACET takers!


Isang Tasang Kape

Magkano ang isang tasa or baso ng kape? Kung mahilig ka sa signature coffee, naglalalaro ang presyo sa Php125. 

Sa kwento ng isang speaker sa amin, noong estudyante pa siya sa Ateneo, kabubukas pa lamang ng isang sikat na kapihan sa Katipunan. Noon, Php110 pa lang ang Frapuccino. Dahil nauuso, maraming bumibili. Kadalasan, nakikita raw niya sa mga mesa ng cafeteria ang mga baso ng Frap na may laman pa, hindi inubos. 

Noon ding panahon na iyon, ayon sa kaniya, may ganito na ring realidad: May mga pamilya na dahil sa labis na kahirapan, ang inuulam ay - hindi nga ulam eh - kundi isang pakete ng 3-in-1 coffee na itinimpla sa maraming tubig. Hinahalo nila sa kanin at kadalasan, ito lamang ang kanilang pagkain sa buong maghapon sa isang buong linggo. Ito rin ang nagsisilbing nutrisyon ng mga batang maliliit pa. Magkano ba ang isang 3-in-1? Noon panahon iyon, 3.50. Kung tutuusin, ang isang Frap (110) ay makabibili na ng 30 na 3-in-1 (110/3.50). Ibig sabihin, isang buwan nang ulam - kung ulam mo ngang matatawag - ng isang pamilyang nagtitiis sa kahirapan. 

Mahirap bang paniwalaan? Iyon ay mga 5 hanggang 8 taon na ang nakararaan at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan at mas malala pa. May kumakain ng pagpag o iyong tira-tirang laman mula sa basurahan, pinagpag, binabanlian ng mainit na tubig, at niluluto ulit. Ito ang pagkain ng buong pamilya araw-araw. 

Huwag na natin pamuni-munihan pa ang kasaklapan ng sitwasyong ito. Alam mo na yan. Marami sa atin ay marami nang narinig na kwentong kagaya niyan ngunit ang tanong, papaano ka tutugon? 

Hindi natin kailangang lumayo. Kung susuriin ang sariling pamumuhay, marami kang makikitang paraan ng pagtugon. Oo, makatutulong ang pagbabahagi ng meron ka sa materyal na paraan ngunit minsan, hindi buo ang pagbibigay na ito. Ang tunay na pagbibigay ay humuhugot sa wagas na malasakit at pagmamahal. Ang tunay na pagbabahagi ay nakapagbabago ng sarili. Kalakip nito ang pakikiisa sa tinutulungan. Nabubuo ang pagbabahagi kapag sarili mo na mismo ang iyong binagahagi. 

Kung ako ang tatanungin, gusto ko nang lumabas sa pagiging manhid. Panahon na siguro para magpaapekto ako sa realidad na ito. Sa tuwing nariyan ang pagkakataon na bumili ng mahal na kape, lagi kong maiisip na sa ibang bahagi ng Pilipinas, may taong nakasalalay sa mumurahing kape ang buhay. Hindi ko kayang tiisin. 

Isang bahagi lang ito ng kabuoan. Hindi lamang sa kape makikita ang ganitong hindi pagkakapantay-pantay.  Hindi ko na ikukwento sa iyo ang lahat. Alam mo na yan. Tumingin ka lang sa paligid mo at maging bukas. Ang nakakalungkot lang, iilan lang ang tumitingin sa realidad na ito bilang panawagan upang magpanibago ng pamumuhay. Kung ikaw ang tatanungin, kaya mo bang tiisin? 

(Source: josephborres)


Isang Litrong Liwanag

Really fascinating.

They are making light bulbs using softdrink bottles filled with water and bleach (which diffuses the light). 

The better aspect is that, through this, many families who could not afford or do not have access to electricity will now have light in their homes during the day for free. 

visit: http://isanglitrongliwanag.org/



(Source: shadow-zone)


Philippians 3:12-14 Saint Paul Reflects on His Goals

wreckedsolitaryhere:

Not that I have already obtained all this, or have already arrived at my goal, but I press on to take hold of that for which Christ Jesus took hold of me. Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.

Via Wrecked, solitary, here.

Your whole life will be disordered and miserable if it is based on the principle of always having a good time, simply because happiness is a by-product, not a goal.

lace-wing-fly:

—Fulton Sheen

He got it right.

Via ☥BEEBERZ☥

badwolfcomplex:

suzywire: exobiology:

Deep in the rainforests of the Indian state of Meghalaya, bridges are not built, they’re grown. For more than 500 years locals have guided roots and vines from the native Ficus Elastica (rubber tree) across rivers, using hollowed out trees to create root guidance systems. When the roots and vines reach the opposite bank they are allowed to take root. Some of the bridges are over 100 feet long and can support the weight of 50 people.

This is the most amazing thing I have seen in a long, long time.

(Source: narcotic)


Via Intellect & Romance

Forgiveness… breaks the cycle of evil, of tit-for-tat revenge which serves only to increase the problem… It is the equivalent of taking the sword out of the enemies’ hands and breaking it, leaving them defenseless.

– Frances Hogan (via catholicanswers)

(Source: askthecatholic)

Via Catholic Answers


17
To Tumblr, Love PixelUnion